Dati

 

dararatda dati
dararatda dati
dararatda dati…

On repeat na ko na ‘to since last Saturday pauwi ng Cavite hanggang sa makatulugan ko. Hindi ko na din mabilang kung ilang beses kong napaulit-ulit sa youtube. Merun nanaman akong shower song.

Ang saya lang pakinggan.

Ang sarap indakan sa umaga.

Feels good.

Nostalgic.

Hindi naman ako nakaka-relate sa tinutumbok na romance nung kanta. Dun na lang siguro sa mga laro. Hehe.  Kaso NPA kasi kami nung mga kabataan ko kaya wala akong maituring na kababata na kaibigang malapit ko pa rin.

Bulacan-Pangasinan-Cavite.

Hati-hati ang mga kababata. Hindi ko alam kung pano hanapin yung mga kababata ko sa Bulacan. Bilang 10 years old pa lang ako nung umalis kami don at hindi ko na tanda surnames nila.

Sa Bulacan ko naranasan yung:

Bahay-bahayan. Taya-tayaan. Kasal-kasalan. Julio at Julia. Princess Sarah. Marvin & Jolina. Mylene & Bojo Molina. Chinese Garter. Tao-taong piso-pisong nabili.

Nung lumipat kami ng Pangasinan, medyo kelangan na ng physical strength ang mga nalaro ko. Hehe.

Shatong. Baseball gamit ay tennis ball at braso na pang-hampas (yes, ouch). Taya-tayaan sa malawak na mga bakuran. Chinese garter gamit ay pinagdugtong-dugtong na goma. Yung mga nakaka-amoy araw hindi lang ng balat kundi ng buong katawan.

 

Nakaka-miss lang at nakakatuwang marinig ang childhood memories sa isang pop song.

Sinong nagsasabing patay na ang musikang pinoy!

Dahil just as punks do, OPM is not dead! Ye!

 

dararatda dati
dararatda dati
dararatda dati…

♪♪♪

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s