Randomness At Its Finest

So I stalked someone’s blog today and inspires me to update itong malapit ng mabaon sa limot kong wp. Narealize ko din na nagiging hobby ko na ang pagsstalk. Actually, matagal ko na palang hobby yon. Pero hindi kung sino ang inisstalk ko ang iseshare ko ngayon. Nanghihinayang lang ako sa mga pangyayari sa buhay ko nitong nakaraan na hindi ko man lang nailathala. Binalikan ko yung ilang entries ko dito maging sa tumblr. Nakakatuwa. Ang saya mag reminisce lalo na nung mga posts kong hindi naman dapat na pinopost. Though may ilan akong nasulat sa journal ko. Pero lately ang dami ko ng tamad sa pagsusulat. Bukod sa wala talaga kong tiwala sa sarili ko sa pagsusulat ng maayos e wala na kong ballpen. Oh well, reasoning. Haha. And I have to do somethin’ to overcome this katamaran.

“An ACT of kindness is better than many good intentions” ang sabi ni Pastor Ed Lapiz sa podcast na pinapakinggan ni Ate Elaine (housemate) kaninang umaga na tumagos sa buto ko.

Madami na dapat akong gustong isulat dito.

Kaya ito na ang ‘act’ of kasipagan ko that can equate to kindness. For myself.

1st Job Experience. Pero isang taon na ko sa trabaho ko hindi ko pa din nagagawang mag update kaya naisip ko na lang na ishift sa 1st Year sa 1st Job Experience ko ang iblog ko tungkol sa pagiging bagong professional ko. Ngunit tulad ng mithiing magkaroon na ng beloved, ayun wala pa din.

It Takes A Man and A Woman. Isa ako sa mga hopeless romantic fans ng A Very Special Love at You Changed My Life kaya nalungkot ako nung may haka-haka na hindi na matutuloy yung part 3 nito dahil hindi okay si JL at SG. Popster naman ako kaya lang medyo na-badtrip ako sa mga inarte ni SG. Haha. Kaya nakiki-chismis talaga ako sa mga chikadora dito sa office kung ano nang update baka sakaling maisakatuparan na ang pinaka-aantay kong sequel at nang mabawas-bawasan naman ang mga inaantay ko sa buhay. Kaya malaking tuwa sa puso ko kahit inabot ng apat na taon ang pag-aantay ko. Hindi na ko nag-hangad ng free pass (na buti na lang nagpaka-impatient talaga ko dahil wala namang ako nakitang kahit anino ng free pass) at kara-karaka akong nanuod. Sina Aiza, Nica at Ran ang kasama ko. Nag-dinner muna kami sa greenwich bago mag last full show. E hindi ko naman alam na napakabagal pala magserve don kaya nagmadali kaming banatan ang pizza, chicken at pasta at hindi naabutan ang first-ilang-minutong-hindi-ko-mabilang. Grrrr. Dalawang linggo pagkatapos kong mapanood sa sine bago ko mapanood yung first-ilang-minutong-hindi-ko-mabilang na namiss namin sa sinehan. Ayoko na ng part 4. Hindi dahil hindi ako natuwa kundi dahil super happy na ko sa ending. Too good to be true, perfect na para sa kin yung ending. Countless times ko ng napanuod, countless times na din akong umiyak sa masaya at malungkot at nakakaantig scenes. Solb! Popster forever. Ye!

Safe Haven movie ala-review. Natuwa kasi talaga ko sa movie na yon dahil first time ko ding makapagbasa ng isang novel na mapanuod ko yung movie. Syempre ang ibblog ko lang naman don kung gano kabitin yung movie at kung gano ka-detailed yung book. I just found it cool kahit cliche’ mang reaksyon yon. Kaya tinatapos ko din basahin yung Catching Fire dahil malapit na showing non bilang fan naman ako nung Hunger Games. At excited na kong ireact kung gano kabitin yung movie at kung gano ka-detailed yung book.

Family Outing. Bihira lang kasi mag-outing ang pamilya ko kaya nung una excited akong naisip na iblog yon. Kaso kung gano ako ka-excited ganon din naman ako ka-busy, at ka-pagod kaya hindi ko matuloy tuloy… Oo joke lang, tinatamad lang talaga ako. Pero ang saya. It was worth to be blogged para may babalikan sana ako. Nagkasya na lang ako sa instagram at facebook. Wag lang naman agad-agad magshutdown ang instagram at facebook tulad ng multiply ng walang pasabi. Ay may pasabi pala yung multiply kaso ang tagal nangyari kaya akala ko hindi na nila itutuloy.

Siguro QLC to. Naging masungit, laging wala sa mood, at walang modo ako nitong mga nakaraang araw, linggo at buwan. Haha. Walang modo kong hindi tinitignan ang mga taong ayoko kapag kinakausap ako. Mas gusto kong mag-isa. Ayokong makipag-socialize. Ang KJ ko. Ang loser ko. Haha. Wala lang. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Naubos ata yung bait ko. Pero bumabalik-balik na.

Cavinti Laguna Trip Experience with housemates and new friends. Spelunking ang peg.  Challenging. I just can’t also resist the batis. Masaya. Nakakakilig. Nye.

Tapos eto yung latest. Alam niyo ba yung bagong korean drama sa abs tuwing hapon na A Promise of a Thousand Days (naks promote)? Yung babaeng bida don ay other woman nung lalaking bida pero mas mahal nila yung isa’t-isa dahil napipilitan lang yung lalaking bida na pakasalan yung babaeng medyo kontrabida dahil lagot sya sa nanay niya kung hindi.

Hindi ako don nakaka-relate.

Na-diagnose na may alzheimers disease yung bidang babae. At sa unang linggo pinakita yung mga symptoms. Ang dami nyang nakakalimutan. Nakasalang na kaldero sa kalan, bumabyahe syang naka-curlers pa, cup noodles na binuksan tapos bulok na nung mabalikan nya, tawag sa gunting, maging kung anong araw na at madami pang iba.

Hindi naman ako nagcucurler kaya hindi ako don nakaka-relate.

Medyo lang.

Lately kasi parang andami ng kalawang ng utak ko. Andami ko ng nakakalimutan na wag naman sana maging dahilan para ma-sesante ako.

Madalas kong makalimutan yung phone ko. Sa bahay, sa bag, sa kung saan. Sa tingin ko naman usual ko na lang yon. Wala naman ako kasing ka-text. Kaya lang may trabaho pala ako at kailangan mag-coordinate sa opisina at sa boss ko.

Marami akong bilin na nakakalimutan. Na nagiging dahilan ng pagka-boldyak ko madalas. Kaya bawat detalye at bilin ngayon e nino-note ko na. Madalas, nakakalimutan ko din mag-suklay muna bago umalis sa bahay papasok ng office. Kaya finger-comb na lang to the left to the right. Naks.

Na-bother tuloy ako ng onte habang pinapanuod ko yon.

Ako: Halaaaaaaaaa (sustain). Wag naman sana kong maganyan.
TL (True Love ko, i mean Team Leader ko): Hindi malabo, Iya.
Ako: Salamat ha @.@

Halos lahat nakakalimutan ko. Sya na lang hindi.

Chos!

Ang haba na nito. Ang daldal. Ang random.

random

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s