Coffee please…

Hindi ako nahilig sa kape nung bata ako kaya hanggang sa pagdadalaga’t pagtanda ko ay never akong nag-crave sa kape. Umiinom lang ako nito kapag starbucks (chos! but frappe is good! :D)este kapag nasa ibang bahay at sa tuwing mag-aalok sila. Nakakahiya namang luminya ng “sorry po, I don’t drink coffee…”. Ay? *taas-kilay* Nakakatakot naman umuwing pasaan. Hehe.

Merun akong favorite na commercial dati na favorite ko pa rin naman hanggang ngayon.

Remember this?

…at hindi magbabago ♪

E etong koreanovela na to na napapaligiran ng kape…

Coffee Prince

Last week, pinanuod ko yung Kris TV na guests sina Iya Villania, Cesca Litton, Billy Crawford at Robi Domingo. Syempre, usapang pag-ibig.

“It started over coffee…” ang sagot ni Cesca nung tinanong siya ni Kris kung pano nagkakilala si Cesca at ang boyfriend nyang napaka-pogi at napaka-sweet.

“Ay! Sa kape din kami nag-umpisa ni Nikki… diyan talaga nagsisimula yan sa pa kape-kape…” sabat ni Billy sabay tawa at kilig.

Nung nakaraang Lunes, sina Richard Poon naman at Maricar Reyes ang guests sharing their sweet love story. And yes, it started over coffee also. “We had coffee then…”

Ano ba! Nahampas ko tuloy yung katabi ko sa kilig na din.

Ako: “Anu ba yan! Puro sila kape! E hind nga ako nag-kakape. Milo naman!”

Officemate: “E kaya naman pala hindi mo pa nakikita e! Kape-kape din!”

Ako: “Oo nga no?”

Parang nag-echo pa sa kin yung… “kape-kape din!” 

:p

Advertisements

5 thoughts on “Coffee please…

  1. ay siya ma-ngape ka na! masyado nadaw tayong pa-baby sa milk at milo hahaha…hindi ka naman katulad ko na nagpa-palpitate ‘pag naka-kape eh hahaha…kelan magpapalit shift mo? 🙂 miss yow!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s