Last Year’s Highs and Lows

Our Dean posted on our FB group page asking us, Seniors, what are our Highs and Lows during our last year in College. That one deserves a blog post so here’s mine!

LOWS

1. Thesis Pressure

  •  makahanap ng kagroup.
  •  pahirapan sa pag-iisip at pagdedesisyon ng project. I remember posting a status in FB “Ang daling isipin, ang hirap isakatuparan #thesis.”

2. Explosive Expenses

  •  Nagkikita na lang kami ng nanay ko kapag hihingi ako ng budget. HAHA. Pamasahe sa lahat ng lakad: research, research, and gala. Bayad sa printing, ringbinding, bookbinding, thesis presentation, panels, food, damit, sapatos, starbucks. Idagdag mo na ang tumataginting na grad fee. Hindi naman yun problema. Kung di ka ga-graduate.

3. Madla Pressure

  • Kapag may nagtatanong kung graduating ka na hindi ka makasagot ng diretso. Pout na lang. Lalo na kung:

pre-defense: FAILED (super recast, super revised, back to zero and you only have more than 2mos left for final defense.)
final defense: RE-DEFENSE
Operations Research midterm grade: 69 (pero hindi ka magmumukmok dahil hindi ka naman nag-iisa. hindi lang kayo dalawa. halos lahat kayo.)

4. Classcard Surprise

Hindi pinakita ang classcard mo dahil may failing grades ka. Hindi mo tuloy alam kung ilang percent ang ibibigay mong effort makapasa lang. Eto pa, kailangan parents ang kumuha at magpunta ng office at makausap ang dean mo. At dahil dyan, mas lalo ka pang na-pressure hindi dahil magulang mo ang kukuha ng grades mo kasi hindi mo naman na ipapaalam yon kundi dahil malapit ka ng mabaliw sa gabi-gabing kaiisip kung ga-graduate ka nga.

5. FCL

Hindi ka na nakikita sa FCL class kasi puro ka na lang Thesis, Thesis, at thesis. Mukha ka ng Thesis! Sa retreat ka na lang masusulyapan muli.

6. Pressure sa Profs

“Hindi ka makakagraduate!” “Hindi ka makakagraduate!” “Hindi ka makakagraduate!”

Stressful makarinig niyan no? Pirated CD lang ang eksena. Hindi mo alam if you should give up or should just keep on chasing pavements. Pero ganun talaga. Honest lang sila kasi kitang kita naman yung output nung project mo. So better improve what you are doing para hindi mo na maraming beses marinig yan. Mga dalawa na lang.

7. Family Pressure

Di ka na makita sa bahay. At kung umuwi ka man ay para lang magpalit, umidlip at higit sa lahat humingi ng baon. Ang saya.

8. Walang Social Life

Ni hindi ka na updated sa bagong palabas sa sinehan. Dalawang movies lang ang napanuod ko sa sinehan during this term. Madalas downloaded na. HAHA.
Ang social life mo: Facebook, Twitter, Tumblr, Youtube

9. Nanganganib na Lovelife

Para sa mga single: No problemo. Para sa mga taken: Malaking problema ayon sa aking naobserbahan. Di ba, Dyey? Di ba, Lab? XD

HIGHS

1. Thesis Victory!  The victory after re-defense and you finally can hear the word “Congratulations!”. None could be sweeter in the ear than to hear that.

2. New set of amazing friends.

3. Knowing your capabilities and endurance.

4. Earning Family’s Support

5. Lessons Learned

6. Lastly but most especially and above all else, experiencing God’s extension of His strength when you are tired, His comfort when you feel so down and rejected, His provision on your limitations, His unending love that keeps you from fighting. 

Without these kind of challenges and experiences, I bet you can’t find yourself putting your trust to God. I bet you can’t find yourself fighting the good fight of faith. I bet you can’t find yourself better, braver and tougher than ever! Sarah G lang ang peg? :p

Share ko na lang din ang aking college life verse na aking pinanghahawakan kaya nananatili akong lumalaban:

being confident of this, that he who began a good work in you will carry it on to completion until the day of Christ Jesus. – Philippians 1:6

Today I can finally say… Yes! Ga-graduate na ko! To God be the glory!

PS: Working on my Graduation Blog. To follow 🙂

Advertisements

5 thoughts on “Last Year’s Highs and Lows

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s