Unofficially Yours

LSS sa If You Asked Me To OST ng Unofficially Yours until now! Nakisabit ako sa ‘friendly-date’ ni Chi at Aiz after church. Nabusog sa 99ers ng Pizza Hut at natuwa sa libreng Popcorn ni Aiz. Natuwa rin ako sa movie minus the bed scenes ><… Para tuloy siyang copycat ng Friends with Benefits at No Strings Attached. But yes, may ibang twist naman. Bitin nga lang! Hindi na-settle ang pag-alis ni Ces! If we’ll disregard the bed scenes, it’s about loving and trusting again and letting go of the pains from the past. There is a man who will appreciate and love us truly and wholly and won’t look on our painful past. Madaming tawa. Madami ding iyak si Aiz. Hahah! Gripo ang mata eh! At may nakuha kaming bagong expression/gesture ni Aiz! Ang hirap lang imuwestra sa blog? :p As usual, nakaka-inlab si Lloydie dito. At lumutang naman ang kagandahan ni Angel sa big screen. At ang outfit! Bet ko lang talaga yung Loose Blouse, Skinny Jeans, Red Stilletos at Red Nails nya! Pag nagka-budget ako, gagayahin ko yon. Hahah! Inggiterang tunay!

Peg din yung mga lines. Kapag si Lloydie na ang babanat, mapupuno na lang ang sinehan ng…. “Yiiiiiii!!!!” “Aaaaaahhhh…”

“Ganito lang naman ako dahil mahal kita. I’m sorry Cess. Alam kong wala sa usapan yun pero ito na yun eh. Mahal na mahal kita… Hindi ko na rin kaya magkunwari na naiintindihan ko pa kung ano ang meron sa atin. Hindi ko na gusto. Mamahalin kita ng buo. Aalagan kita Cess. Payagan mo lang ako. Pwede pa bang maging tayo?”
“Naniniwala ako na may nakalaan na tao para sa bawat isa sa atin.”
 
“Ang importante, masaya siya kahit hindi ako ang dahilan ng saya niya.”
 
Sa isang daang libong bagay na pinipilit, may isang bagay diyan na hindi mo kayang tanggihan.
 
“She is loving. She is generous… And she will never give up on you…. She is someone who is selfless enough to share her passion, knowledge and heart.”
 
“There is one final lesson: Higit ka pa sa isang daang libong bagay na pwede kong tanggihan sa buhay ko.”
 
“Kahit sa’n pa man, ang aking isisigaw: Ikaw ang aking mahal.”
At touching naman yung Nanay Scene ni Angel at Tetchie!
“Aminin mo na Cess.”
“Bakit ganun? Bakit parang hindi ka nag-sasawang masaktan?”
“Hindi naman. Hindi lang ako napapagod magmahal.”
“Hindi ka napapagod?”
“Eh paminsan-minsan. Napapagod din, syempre.”
“Oh bakit ayaw mong tumigil?”
“Bakit ako titigil? Pwede naman akong huminto sandali.”
“Kahit ilang beses ka ng umasa? Masaktan?”
“Oo.”
Magaling na direktor si Direk Cathy. Walang duda. Iyak tawa ang scenario! Light lang. Good vibes.Tinanong ako ni Aiz kung anong iniyakan ko (kasi siya halos kalahati ng movie umiiyak na). Siguro yung scene na nagkausap si Mackie at Cess after jombagin nung una si Vince. Makaranas man lang daw ng sakit o kaya try nyang burahin mukha ng marealize gano kasakit ang iwan at saktan si Cess ng ganon. Relate? May gustong jombagin? Hahahah! Pero namuo lang naman tubig sa mata ko at hindi naman tumulo. Mas nagmarka pa talaga sa kin yung Red Shoes at Red Nails ni Angel. Nyahaha
Hmmmmm… *sabay-liyad*
There is no fear in love. But perfect love drives out fear, because fear has to do with punishment. The one who fears is not made perfect in love. – 1 John 4:18
Advertisements

2 thoughts on “Unofficially Yours

  1. hahaha….natatawa ako kasi naiimagine ko kung pano ka nanonood? nagno-notes ka ba te habang nsa sinehan? hahaha

    Gusto ko padin mapanuod yung THE VOW..waaaaah.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s