Kind. Not. Rude.

Enero 17,2012 10:19 PM

Awful. I believe magiging kwento na lang tong sakit na to sooner. Masakit na. Paulit-ulit pa. Unli. Akala ko kasi… Pathetic me. Aaah. Pain. Sana last na to.

Nag SM ako mag-isa kanina. Para bayaran ang mga utility bills. Dati naman na kong nag-e-sm mag-isa. Pero iba kanina. Nakakalungkot. Nakakabugnot. As in gusto ko na lang manghablot ng kasama. Natext ko na ang mga pwedeng makasama. Walang reply. 😦 nagugutom ako pero hindi ko kinayang kumain mag-isa. Ang sarap sanang mag kfc. Di ko naman kasama thesis group ko. Baka di ko din ma-enjoy ang unlimited gravy. Napadaan din ako sa pizza hut. Namimiss ko ang ceasar salad. Wala naman si Jen. Walang magpipicture. Naisip ko ding mag mcdo. ‘Ya lang naalala ko yung maalat na fries na nakain ko last time. Wag na lang din.

Ang dami ko nang pending books to read. Tapos gusto ko pang bumili ng Boy Meets Girl. E di ko pa daw pwedeng basahin hanggang di ko nami-meet si Boy. So kelan pa. Sana bukas na. Kanta yon di ba?

Si Yeng, kanina pa kumakanta… Pang-habang buhay ang pag-ibig ko sa’yo, oh sinta…kahit na magkawrinkles ka, iki-kiss pa din kita. :*

Binuklat ko reviewer ko sa AnaTech. Sa Thursday pa pala quiz don. Bukas na lang ulet. May date kami ni Nelma bukas. Sa wakas. Mahihiram din sa boypren. 11-2. May schedule? Dahil may klase ako sa Operations Research at di sya pwede ng gabi dahil yun ang time nila ni Bryan. Time pressure. Kelangan kong magmulti-task sa pagkain at pagkukwento.

Hindi na ko magpupunta ng mall mag-isa. Nakakagutom.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s