Mother’s Day and Bebeng

Ate and I went to Antipolo last Sunday, Mom’s Day, para sa isang importanteng bagay. Makulimlim na bago kami umalis but we still decided to wear our doll shoes on.

Upon going back home, sinalubong kami ng napakalakas na ulan na napag-alaman kong si Bebeng.  Gusto sana naming makabalik ng maaga dahil nga Mother’s day.

Pero hindi kami nakaalis agad dahil kay Bebeng. Stranded sa Cubao. It took us almost an hour bago mapatila ng konti ang malakas na ulan. Tsk.

It was my idea to bought mama a cake on ate’s expense, of course =)). Pero may kailangan muna kaming malagpasan bago matanggap ni mama ang cake na ito.

At ito ay ang, rumaragasang agos ng tubig.

May mga dumaang nadulas, napatili and worse, natumba. @.@ Si ate, bilang batang matatakutin, at ako, bilang batang madudulasin ay kinakabahang dumaan. Haha. There’s no other way para makatawid sa kabila.  Kaya there’s no other thing to do kundi ang suungin ang rumaragasang baha. Took off our nabiling flops sa nadaanang  mall, yakap ang cake na bitbit, at akay si ateng tumitili, ay nakatawid kaming hindi natumba o nadulas pero basa. Achieve pa nga!

Basang pantalon at na-deform na cake. Fail. =))

Magkaganun man, nakauwi kami ng matiwasay at nilalamig. Our four-year-old nephew suggested a scene. “Alam ko na tita, bago umakyat si lola, patayin natin yung ilaw tapos on ulit natin tapos sasabihin natin, “Surprise, Happy Birthday! Ay, happy mother’s day!”” So ginawa nga niya. At kami ay tawang tawa sa pagkukumahog niya. Seen the smile on mum’s face, wala ng pagod at lamig na dala ni Bebeng.

Happy mother’s day to all moms! Especially to my napakasipag na mama! You are my greatest love!

Advertisements

3 thoughts on “Mother’s Day and Bebeng

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s